Sa isang tao, marami ang mundo. Mga mundong kanyang binuo o nabuo ng hindi niya namamalayan. Mga mundong bukod tanging siya lang ang nakakaalam. Siya lang ang nakakaalam. Dahil marami siyang mundo. Marami tayong mundo.
Sa pagbuo ng mga mundong ito, marami kang nalalaman. Mga bagay na hindi buhat akalain na magugustuhan mo, na matutuhan mong mahalin. Mga uri ng bagay na mamahalin. Mga mundong hindi ko inakalang mamahalin ko kahit na iba’t iba ang mga ito. Kahit na hindi sila pare-pareho. Kahit na hindi sila magkakatugma. Mahal ko ang mga mundo ko.
Gaya nga ng sabi ng ibang tao, unpredictable. Hindi mo alam. Hindi nila alam na may iba ka pang mundo. Mga mundo na ikaw lang mismo ang makapagpakita sa ibang tao. Dahil mundo mo ito. Pero mayroon din silang mundo. Pero anong uri naman kaya ng mundo ang mayroon sila? Hindi naman siguro na parehas kami ng mundo. Iba-iba ang mga tao. Iba’t iba rin ang aming mga mundo. Mahal din kaya nila ang mga mundong mayroon sila? Gusto rin ba nila ang mga mundong nabuo nila kahit na hindi nila ito inaasahan? Hindi ko alam. Hindi ko alam kasi mundo nila iyon.
Tayong mga tao ay nakatira sa iisang mundo. At ang mundong ito ang kumokonekta sa bawat isa sa atin. Ito lang ang mundong nakakapagpakonekta sa atin dahil hindi nito maaring sakupin ang mga mundong ating nilikha at nalikha. Ang mundo at ang ating mga maliliit na mundo.
Ang mga mundong ito ay nasa loob natin. Tayo lang ang nakakaalam. Tayo ang manlilikha. Ang diyos ng sarili nating mga mundo.