Saturday, 28 July 2012

Diary Entry #2



My Introduction to Media Writing professor asked us to write an essay about ‘How am I as a writer’. Kumuha ako ng yellow paper at sinulatan iyon ng pangalan ko, subject schedule at date. He’d given us the whole 1 hour time of his class para lang masulat iyong essay namin. It was in English language, of course.
Noong una, wala talaga akong maisip-isip kung paano ito sisimulan. I cannot say na, I was out of words. Sadyang hindi ko lang maisip kung paano ba ako as a writer. Ano ba ako bilang isang manunulat? Ni hindi nga ako makasulat ng isang maayos na essay na tulad ng ganoon, paano pa kaya ako natawag na isang writer?
At dahil isa akong AB Communication student, malamang sa alamang, kinakailangan ko maging isang manunulat. Magaling na manunulat. Ito ang tinahak kong landas, aatras pa ba ako?
Dahil sa hindi ko nga malaman kung paano umpisahan ang essay at kung ano ba ako bilang isang writer, kung anu-ano nalang ang naisip ko na iyon namang isinulat ko doon. Magulo. As in magulo ang sagot ko sa tanong na iyon. Kahit na gusto kong ‘straight to the point’ yung sasabihin at isusulat ko, nagpaliguy-ligoy pa ako. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano ang mga naisulat ko doon. Pinabayaan ko nalang. I’ll do better next time, I’ve thought. Pero hindi eh. I know hindi na iyon muling maitatanong ng professor ko. But I’m hoping na itanong niya ulit iyon kapag natapos na ang aming semestre nang malaman ko sa sarili ko kung may natutunan ba ako, o kung nag-improve ba ang skills ko sa pagsusulat, kung meron man ako noon.
How Am I as a writer/?
Hindi ko alam kung patanong ba iyan o basta ko nalang sasabihin kung paano ako bilang isang writer. Ano ba ako bilang isang manunulat na gumagamit ng mga salita at letra upang maipahayag ang isang nagwawalang damdamin? Pero napagtanto  ko, hindi ako ganoon kadalas magsulat. Ni hindi rin ako mahilig maglabas ng emosyon. I’ve been over thinking na gusto kong magsulat ng mga magagandang istorya na may bahid ng pagkatao ko. Well, sino ba namang manunulat ang walang bahid ng sarili nilang pagkatao ang mga naisulat nila? Pero hindi ko naman nagagawa. I am a burden to myself. I am the hindrance to the optimistic side of myself. Ganito ba talaga ako? Magpapahayag na lang ng damdamin, hindi ko pa maigawa. I am no writer, sa isip ko. Mas mahilig pa akong makinig ng mga problema ng ibang tao kaysa ako ang magkwento. Kinagigiliwan ko rin ang pagbibigay ng payo, oral man o written. Siguro iyon lang ang kaya ko.
Isa lang ang masasabi at maipapaliwanag ko. Hindi man siguro nagiging epektibo ang mga naisusulat ko, epektibo naman ang istorya ng buhay ko. Oo, I’m talking about how am I as a writer of my own story. Engineering student ka man o graduate ng Nursing, writer ka pa rin. What I mean is, we are the writers of our own life, our own story.  Hindi naman ibang tao ang nagsusulat ng kwento ng buhay natin, kundi sarili lang natin. Tayo ang nagdedesisyon. Tayo ang masusunod. I’ll re-qoute something I’ve put from my Wattpad account:
“For some definite reason, we can call ourselves as writers of our own story. Tayo ang gumagawa at nagdedesisyon kung paano tayo mabubuhay, kung paano natin tatahakin ang hinaharap. Pero sa kasamaang palad, we are the kind of writer who cannot delete nor edit our story. The very least thing we can do is to revise some part na maari pang i-revise pero para sa latter/future part na ng story.
Our story shall only be ended by God. Siya ang editor-in-chief. Kung nais mong maging maganda ang epilogue ng iyong istorya, gandahan mo ang pagganap bilang character dito. Antagonist or Protagonist ka man, galingan mo. Make a better plot and storyline, pati na rin ang script. Dahil balang araw, kung maganda ang istorya mo, maraming tao ang hahanga at papalakpak sa iyo. Bonus na ang Special Chapters. Goodluck with your story!”
So, how am I as a writer? I think it’ll take time before ko masagot yan. :)

No comments:

Post a Comment