First of all, let's appreciate the existence of Joseph Marco.
I'm turning 18 this November and I feel like I don't wanna grow old. Pakagat kaya ako kay Edward Cullen nang maging 17 ako forever like him? Naah. Forget it. The thought na I'll be debuting to adulthood scares me. Una, magiging legal na ako at pwede na akong makulong. Pangalawa, more responsibilities. At pangatlo, I ain't getting any younger.
After 5 years, or nung 13 palang ako, tuwang-tuwa pa nga ako noon na teenager na ako. But now, parang ayokong tumanda. We can't stop ourselves from aging. Nakakainis naman. Pero sana, mas lalo akong gumanda. Chos! What I mean is, sana maging maayos ang buhay ko sa mga susunod na taon. Kung hindi man ako makagraduate on time dahil sa mga failed subjects ko, (oo, bobita ako minsan) sana maging successful pa rin ako. With the help of siyempre, sarili ko, my family and specially, God, sana makamit ko lahat ng iyon. Mga pangarap ko simula pa noong bata pa ako.
God, please help me sa lahat ng pagsubok na darating sa akin. I may be stubborn at times, hindi ko man po sinusunod mga utos ng magulang ko, (at nagrereklamo pa) kahit nagloloko pa po ako minsan, sana po, guide me throughout the whole way para makamit lahat lahat ng ninanais ko.
Sana (wish ko para sa sarili ko) magbagong buhay na ako, (oo, sinasabi ko 'yan sa sarili ko) at sana, tumino na ako. I don't wanna see myself failing. I want my parents to be proud of me. Minsan nga, tulad nalang ngayon, nahihiya ako sa kanila. I won't cite kung bakit, basta 'yun na 'yun.
I won't promise na magagawa ko lahat ng 'to, but I'll try my very best para lang makuha ko 'yung mga gusto kong makuha. I won't let the pessimistic side of me eat my whole existence. (Para sa kabutihaaaaan!)
At sana, on the day I turned 18, sana, hindi ko kainin lahat ng sinabi ko dito. I'll try my best! Kaya ko 'to! Life may be unfair at times, pero kakayanin ko lahat
Sana ma-meet ko si Joseph Marco my loves <3
No comments:
Post a Comment